32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

P27-M halaga ng shabu na natago sa delata ng tomato sauce nasabat

- Advertisement -

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa dalawampu’t pitong (27) milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa loob ng mga delata ng tomato sauce.

Ayon kay PDEA Central Luzon Regional Director Gil Pabilona, nanggaling ang dalawang kahon ng mga delatang naglalaman ng kontrabando sa Las Vegas Nevada, USA at ipadadala sa isang Edna Valenzuela sa Barangay San Roque, Navotas City.

Sinabi ni Pabilona, naharang nila ang mga nasabing kontrabando sa airport pa lamang kaya agad silang nagsagawa ng controlled delivery para matukoy ang consignee ng mga ito.

Dito na naaresto ang pinadalhan ng mga package na si Valenzuela at ang 22-anyos nitong anak na babae.

Iginiit naman ni Valenzuela na hindi niya alam na naglalaman ng shabu ang mga nasabing package at sinabing pinakiusapan lamang siya ng isang kaibigan na tanggapin ang mga ito kapalit ng pera.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -