Panukalang batas para sa night differential aprubado na sa Senado
November 5, 2018
Parañaque Integrated Terminal Exchange bukas na ngayong araw
November 5, 2018
Show all

P25 minimum wage hike sa NCR inanunsyo na ng DOLE

Inianunsyo na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bente singko pesos (P25) na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magiging epektibo ang bagong minimum wage pagkatapos itong maipalathala ng labing limang (15) araw.

Sinabi ni Bello na wala na ring COLA o cost of living allowance ngayon dahil isinama na ito sa minimum wage.

Dahil dito, papatak na mula 500 hanggang 537 pesos ang bagong minimum wage sa NCR sa iba-ibang sektor.


P100 hike hirit ng Labor groups

Humirit ng 100 peso minimum wage increase ang mga labor group para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ito panawagan ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress kasabay ng kumpirmasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa approval ng 25 pesos na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa NCR.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay, barya lamang ang bente singko pesos (P25) para sa mga medium at large enterprise na kulang pa upang ipambili ng isang kilong NFA rice.

Samantala, ibinabala naman ng ALU-TUCP ang malawakang kilos protesta kung hindi itatama ng gobyerno ang dapat na suweldo para sa mga manggagawa.

By Drew Nacino

 

 

 

 

Comments are closed.