OWWA handang tulungan ang mga stranded na OFW sa Hong Kong

by Powered by DWIZ
0 comment
OWWA handang tulungan ang mga stranded na OFW sa Hong Kong

Handa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tulungan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nai-stranded patungong Hong Kong.

Ito ang naging pagtitiyak ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac kaugnay ng serye ng mga kilos protesta sa Hong Kong na naging sanhi ng pagkakadelay ng mga flights.

Ayon kay Cacdac, maaring dumulog sa kanilang hotline na 1348 ang mga na stranded na OFWs.

Matatandaang nauna nang ipinapanukala ang pagpapatupad ng deployment ban patungong Hong Kong.

Ngunit ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hihintayin muna nila ang assessment ng Dept. Of Foreign Affairs (DFA) bago ito ipatupad.

Sa ngayon, wala pang ginagawang pagtaas sa alert level, kaya’t mananatiling normal ang deployment ng mga Pilipinong manggagawa.

Related Posts