27.8 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

OSHC iimbestigahan ang pagkaka aksidente ni Eddie Garcia

- Advertisement -

Gumulong na ang imbestigasyon ng OSHC o Occupational Safety and Health Center hinggil sa pagkaka aksidente ng beteranong aktor na si Eddie Garcia na naging dahilan nang pagkamatay nito.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III aalamin ng OSHC kung may pagkukulang ang TV production company na siyang producer ng nasabing serye kung saan tampok ang veteran actor.

Tututukan din sa imbestigasyon kung naipatupad ba ang safety and health plan ng kumpanya.

Umaasa naman ang FFW o Federation of Free Workers na mailalabas ang katotohanan at mapapanagot ang may kasalanan sa nasabing aksidente na kumitil nga sa buhay ni Garcia.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -