29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Operasyon ng VMMC balik normal na

- Advertisement -

Ganap nang naibalik sa normal kahapon ang suplay ng kuryente sa VMMC o Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City

Ito’y matapos makaranas ng 24 oras na brwonout ang nasabing ospital nang mabagsakan ng isang malaking puno ang 2 poste ng meralco sa lugar nuong biyernes

Ayon kay VMMC Director Dr. Dominador Chiong Jr, pasado 8 ng umaga ng biyerenes nang mawala ang suplay ng kuryente at inabot pa ng alas 10 ng gabi bago dumating ang pamalit na poste ng Meralco

Dahil dito, lubhang naapektuhan ang serbisyo ng nasabing ospital partikular na ng ICU, Emergency Room, Laboratories at Dialysis Center ng VMMC

Nagpasalamat naman si Dr. Chiong sa AFP o Armed Forces of the Philippines na nagpadala ng dagdag na mga generator sets dahil sa hindi na kinakaya ng kanilang generator ang laki ng demand sa kanilang Ospital

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -