Pagkakasama ng kapatid ni Napoles sa Malampaya scam pinagtibay
October 11, 2018
DFA itinangging may isa pang Pinoy ang nahatulan ng bitay sa Indonesia
October 11, 2018
Show all

DXDX GenSan
Operasyon Ng PDEA-12 Laban Sa Pagsugpo Sa Iligal Na Droga, Hindi Ititigil!

Magpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng operasyon ang PDEA-12 laban sa iligal na droga ito ay taliwas sa nangyaring ambush na ikinasawi ng anim at isang kritikal na mga personahe ng PDEA ARMM sa Lanao Del Sur. Ayon naman sa pahayag ni Kath Abad, spokesperson ng PDEA 12 na parte sa kanilang trabaho ang malagay sa peligro ang kanilang buhay lalong-lalo na marami silang nababanggaan na may kaugnayan sa kampanya laban sa pagsugpo ng iligal na droga sa buong rehiyon, dagdag pa, na magpapatuloy sila sa pagsasagawa ng operasyon at dodoblehin ang pagbabantay sa kanilang seguridad, mayroon din umanong ibinababang protocol sa kanila galing sa National Headquarters ngunit hindi na nito inilahad pa.

Pinasisiguro ngayon ng tagapagsalita na walang pagbabago sa kanilang operasyon kung saan pinaplano na nito na magdadagdag sila ng security personel upang magbantay sa seguridad, ayon pa kahit saan umanong lugar ay hindi talaga maiiwasan na mayroong malalaking personahe o kompanya silang masasagsaan na maaaring may kaugnayan sa iligal na droga, at mahigpit na kinokondina ng ahensya ang nangyari.

RPN
RPN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *