Operasyon ng militar laban sa 200 terorista sa Maguindanao nagpapatuloy

by Powered by DWIZ
0 comment
Operasyon ng militar laban sa 200 terorista sa Maguindanao nagpapatuloy

Tuloy-tuloy ang bakbakan sa pagitan ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao sa ikatlong araw ng security operations na inilunsad ng militar sa Maguindanao.

Ayon kay Major General Cirilito Sobejana, Commanding General ng 6th Infantry Division, tinatayang nasa dalawandaang (200) mga terorista ang target ng inilunsad nilang security operations na mula nagsanib na grupo ng nina BIFF Leader Abu Toraype at Kumander Bungos.

Sinabi ni Sobejana na posibleng naubusan na ng logistics ang BIFF kaya’t pinasok at inokupa nila ang mga komunidad sa Shariff Saydona Mustapha mula sa dati nilang kuta sa kalagitnaan ng Liguasan Marsh.

Dahil dito, napilitan anyang lumikas ang may isang libo limandaang (1,500) pamilya dahil sa pamemerwisyo ng mga terorista.

Una rito, sinabi ni Sobejana na batay sa kanilang pagtaya nasa dalawampung (20) terorista na ang napatay sa labanan kabilang ang Singaporean bomber na si Muhamad Ali Abdul Rahiman alias Mauwiyah.

“With their presence terrorized po ang isipan ng ating mga kababayan and they are threaten and intimidated, kaya kailangang magtulungan tayo upang matapos na itong hostilities na kanilang ginagawa. There were reports na may foreign terrorist, ang talagang identified na nasa kanilang grupo ay si Pawiya ang Singaporean citizen na dati pa itong nandito na kasama ni Marwan noong araw, ito ay mga bomb experts kaya na-transfer nila ang kanilang mga knowledge sa bagong recruits.” Pahayag ni Sobejana

 (Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

Related Posts