Operasyon ng 3rd Telco mararamdaman na sa unang bahagi ng 2020 — DICT

Operasyon ng 3rd Telco mararamdaman na sa unang bahagi ng 2020 — DICT

by Powered by DWIZ
0 comment 50 views

Tiyak nang mararamdaman sa unang quarter ng 2020 ang operasyon ng ikatlong telecommunication company.

Ayon ito kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio dahil patuloy pa sa pag-aayos ng kanilang operasyon ang Mislatel.

Kabilang dito aniya ang paglalatag ng cellular sites ng Mislatel gayundin ang mga kinakailangng istruktura para sa tuluyang pagiging operational ng kompanya.

Ang kanilang time table ay ‘pag nagsubscribe ‘yung ating mga kababayan sa kanilang serbisyo, siguro mga first quarter ng 2020 [mararamdaman ang kanilang operasyon]. Sa ngayon ay naglalatag sila ng mga cell sites nila, cable, bago sila makapagbigay ng serbisyo, syempre kailangang gawin muna ‘yung imprastraktura nila,” ani Rio. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas

0 comment

Related Posts