35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Opensiba ng militar kontra Abu Sayyaf tuloy kahit Holy Week

- Advertisement -

Hindi ititigil ng militar ang kanilang mga ikinakasang opensiba laban sa bandidong grupong Abu Sayyaf sa Sulu ngayong Semana Santa.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesman Col. Gerry Besana, tuloy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa Abu Sayyaf kahit matagumpay na nilang nalansag ang ibang mga miyembro nito sa mga nakalipas na bakbakan.

Magugunitang noong Huwebes lamang, labing dalawang (12) mga bandido ang napatay ng militar sa kanilang inilunsad na serye ng pag-atake sa Patikul.

Kabilang naman sa mga narekober ng miltar sa lugar ng bakbakan ang isang night vision goggles, makeshift tents at iba pang armas.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -