One way traffic scheme sa bahagi ng East service rd Northbound ng SLEX ipatutupad bukas

One way traffic scheme sa bahagi ng East service rd Northbound ng SLEX ipatutupad bukas

by Powered by DWIZ
0 comment 33 views

Magpapatupad ng one way traffic scheme sa bahagi ng East service road northbound ng South Luzon Express Way (SLEX) simula bukas, oktubre 8.

Ipapatupad ang one way scheme mula Alabang hanggang Sucat interchange simula 10 p.m.

Payo ng Manila Toll Expressway Systems Incorporated sa mga motorista na papunta sa Alabang, dumaan sa West service road o SLEX Sucat entry southbound toll plaza.

Bukod dito, ililipat ang Alabang northbound entry plaza sa skyway on ramp malapit sa Amkor Anam Pilipinas bukas.

Samantala, asahan na ang mas mabilis na daloy ng trapiko sa SLEX sa pagbubukas ng lane 3 sa katapusan ng Nobyembre.

0 comment

Related Posts