35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Ombudsman ang dapat na mag-isyu ng guidelines sa pagtanggap ng regalo ng gov’t employees — CSC comm

- Advertisement -

Nilinaw ng Civil Service Commission (CSC) na ang Office of the Ombudsman ang dapat na mag-isyu ng guidelines hinggil sa pagtanggap ng ‘token’ o regalo ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno.

Ito ay kaugnay ng panawagan ng Department of Justice na maglabas ang CSC ng mas konkretong guidelines upang matukoy kung ang isang empleyado ay lumalabag sa itinakda ng Repuclic Act No. 6713 o mas kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada sa panayam ng DWIZ, nakasaad sa naturang batas na ang Ombudsman ang dapat na bumalangkas ng regulasyon upang matiyak na maayos ang pagpapatupad ng naturang batas.

Sa part naman po kasi ng CSC if you look at the law, we’re talking about Republic Act 6713, nandito ho nakalagay ‘yung mga prohibited acts and transactions, kung babasahin niyo ho ‘yon, ang dulo ho no’n, nakalgay ho d’yan, the Ombudsman shall prescribed such regulations as may be necessarry to carry out the purpose of this subsection including pertinent reporting and disclosure requirement. Ang CSC po, ito po ‘yung nakalagay sa norms and conduct, nakalagay po dito, the Civil Sservice shall adopt positive measures, iba naman ho ‘yung pinapagawa sa amin doon sa norms and conduct ng mga agency, public officials and employees,” ani Lizada.

Kaugnay nito, aminado naman si Lizada na hindi malinaw ang probisyon ng naturang batas dahil walang itinakdang eksaktong halaga ng pera o uri ng regalo ang hindi dapat tanggapin ng mga opisyal ng gobyerno.

Gayunman, sinabi naman ni Lizada na handa ang CSC na tumalima at bumalangkas ng polisiya alinsunod sa anumang guidelines ang ilalabas ng Ombudsman.

Una rito, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na ang mga regalong may halagang P100,000 ay maituturing na insignificant, ngunit nilinaw nito na ito ay case to case basis lamang.

But if ever there is direct provision of law that provide ‘yung ganito, then, we gave way to the Office of the Ombudsman kung ano ang ilalabas nilang mga batas then our policy will be aligned wih the guidelines to be set in place. Wala hong nakalagay sa [Republic Act] 6713 na ganiyan. What the operative word here na binabawal po ng Republic Act 6713 is acceptance of gifts,” paliwanag ni Lizada.

Ratsada Balita Interview

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -