29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Oil price rollback ipinatupad na rin ng iba pang kumpanya ng langis

- Advertisement -

Nagpatupad na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Simula kaninang hating gabi, tinapyasan ng kumpanyang Clean Fuel ng 1.30 ang kada litro ng gasolina habang 1.10 ang kada litro ng diesel.

Sinundan pa ito ng Unioil Petroleum Incorporated na may kaparehong halaga ng tapyas presyo simula naman kaninang 6:00 ng umaga.

Una nang nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Phoenix Petroleum kahapon.

Ito na ang ika anim na sunod na rollback sa presyo ng petroleum products dahil na rin sa pagbaba ng presyo nito sa world market.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -