Oil price hike sa gasolina nakaamba sa susunod na lingo; diesel maaring mag roll back

Oil price hike sa gasolina nakaamba sa susunod na lingo; diesel maaring mag roll back

by Powered by DWIZ
0 comment 21 views

Matapos ang ilang linggong oil price rollback, asahan naman sa susunod na linggo ang oil price hike sa gasolina.

Ayon sa Unioil, wala silang nakikitang paggalaw sa presyo ng diesel, bagkus ay maaari pa itong magbaba ng presyo.

Dagdag pa nito, tinatayang aabot sa P0.22 per liter ang nakaambang taas presyo ng gasolina samantalang hanggang P0.02 per liter naman ang maaaring i-rollback sa presyo ng diesel.

Sa ngayon, batay sa datos ng Department of Energy (DOE), ay naglalaro sa P44.25 hanggang P56.19 per liter ang presyo ng gasolina samantalang P39 hanggang P48 naman sa diesel.

0 comment

Related Posts