31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

OFWs na naakpektuhan ang flights makakatanggap ng P5,000 cash assistance – DFA

- Advertisement -

Makatatanggap ng P5,000 cash assistance ang mga overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ang flights ng pansamantalang pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, maaaring mag-avail ang mga OFW ng financial assistance simula ngayong Miyerkules, Agosto 22 hanggang Biyernes, Agosto 24.

Batid aniya nilang kina-kapos na sa pera ang mga OFW na ilang araw nang stranded sa NAIA matapos magdulot ng matinding perwisyo ang pagsadsad sa main runway ng eroplano ng Xiamen Airlines.

Samantala, tiniyak din ni Labor Undersecretary Joel Maglungsod ang tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga stranded OFW.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -