OBO, Aminado Na Maraming Mga Gusali Sa Syudad Ang Hindi Nakarehistro Sa Tanggapan

by RPN
0 comment
OBO, Aminado Na Maraming Mga Gusali Sa Syudad Ang Hindi Nakarehistro Sa Tanggapan

Aminado ang Office of Building Officials ng General Santos City na maraming mga gusali sa syudad ang hindi rehistrado sa kanilang tanggapan.

Pareho lamang ang requirements na hinihingi ng OBO sa mga mag-a-apply sa pagpapatayo ng mga gusali maging residential o commercial.

Nadadagdahan lamang ang mga requirements depende sa uri ng gusaling ipatatayo; kung ito ay one story, two story, tower o bridge.

Unang bahagi proseso ang compliance ng mga requirements kung saan pangunahin ang tax declaration at titulo ng lupa o kontrata ng lupang rerentahan kung saan itatayo ang gusali.

Unang bahagi ng ebaluwasyon ang zoning kung saan bibisitahin ng inspector ng OBO ang lokasyong tatayuan ng gusali, kasunod ang pagkuha ng construction permit mula sa Business Permits and Licensing Office.

Magbabayad naman ng doble ang mga magtatayo ng gusali kahit wala pang permit hindi pa kasama ang iba pang mga bayolasyon ng mas pinipili ng ibang mga constructor mula sa ibang lugar para mas makatipid.

Inamin ng OBO na maraming mga boarding house sa syudad ang hindi rehistrado sa kanila dahil hindi rin rehistrado sa Business Permits and Licensing Office; Isa sa mga requirements ang pagkuha ng Business Permit ng mga negosyante ang Building Permit.

Trabaho na diumano ng City Legal Office ang pag-file ng kaso laban sa mga patuloy na sumusuway o hindi tumutugon sa sa notice na pinapadala ng OBO.

Related Posts