NWRB pinayagang buksan ang deep well sa mga ospital na apektado ng water shortage

by Powered by DWIZ
0 comment
NWRB pinayagang buksan ang deep well sa mga ospital na apektado ng water shortage

Maaaring buksang muli at gamitin ng mga ospital ang kanilang mga deep well facility na matagal nang ipinasara.

Ito ang inihayag ng NWRB o National Water Resources Board bilang tugon sa kakulangan ng suplay ng tubig ng manila water sa mga lugar na kanilang siniserbisyuhan.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., isang ospital na sa mandaluyong ang muling binuksan ang kanilang deep well para matugunan ang kanilang pangangailangan lalo’t kritikal ang ibinibigay nitong serbisyo.

Taong 2004 nang ipasara ng NWRB ang mga deep well sa ilang bahagi ng metro manila kasunod ng moraturium sa pagtanggap ng mga aplikasyon sa water permit para sa pagtitipid ng groundwaters.

Gayunman, nakasaad sa resolusyon ng NWRB papayagan nito ang pagkuha ng groundwater ng mga ospital, fire stations at ibang imprastraktura na nagbibigay ng mahahalang serbisyo sa publiko.

Related Posts