28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

NutriAsia iginiit na hindi sila gumamit ng dahas para itaboy ang mga rallyista

- Advertisement -

Iginiit ng kumpaniyang NutriAsia na hindi kailanman sila gumagamit ng marahas na taktika para itaboy ang mga rallyista mula sa hanay ng mga sinibak nilang manggagawa at militanteng grupo.

Ayon kay NutriAsia Spokesperson Thelma Meneses, itinanggi nito ang paggamit nila ng goons para buwagin ang hanay ng mga nagpoprotesta sa labas ng kanilang pabrika sa Meycauayan, Bulacan.

Paliwanag ni Meneses, pawang nagmula sa mga pinagkakatiwalaan at propesyunal na security agencies ang kanilang mga guwardiya kaya’t hindi totoo ang paratang na nagbabayad sila ng mga goons.

Pinabulaanan din ni Meneses na sila ang naglabas ng video na kumakalat ngayon sa social media na nagpapakita umano sa tunay na nangyari nang sumiklab ang gulo noong Hulyo 30.

Magugunitang hindi bababa sa 19 ang inaresto ng Meycauayan Police subalit kalauna’y pinalaya rin ng prosecutor’s office para isailalim sa prelimenary investigation.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -