28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

NPA nakatakdang magdeklara ng tigil putukan ngayong Kapaskuhan

- Advertisement -

Magdedeklara ng tigil putukan sa panahon ng Kapaskuhan ang New People’s Army (NPA).

Pahayag ito ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison.

Ayon kay Sison, mahalagang magkaroon ng holiday truce para sa mabigyan ng pagkakataon ang mga gerilya at kanilang pamilya na malayang makibahagi sa selebrasyon ng Pasko at sa ika-limampung anibersaryo ng CPP sa December 26.

Gayunman, aminado si Sison na ang deklarasyon ng tigil putukan ay nakasalalay pa rin sa liderato ng NPA na nakabase sa Pilipinas.

Una rito, nagdeklara na ng giyera ang Pangulong Rodrigo Duterte laban sa CPP-NPA.

Photo From: CPP website

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -