33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

NPA member na napatay sa pakikipag-bakbakan sa militar kumpirmadong estudyante ng U.P

- Advertisement -

Kinumpirma ng Philippine Army na estudyante ng University of the Philippines-Los Baños ang isang miyembro ng New People’s Army o NPA na napatay sa pakikipag-bakbakan sa militar sa bayan ng Luisiana, Laguna.

Kinilala ang napatay na si John Carlo Capistrano Alberto, undergraduate student ng college of veterinary medicine.

Si Alberto na pumasok sa UPLB noong 2013, ay graduate ng Pandan School for Arts and Technology sa Pandan, Catanduanes.

Ayon kay Capt. Patrick Jay Retumban, information officer ng 2nd infantry division, naganap ang engkwentro dakong alas 9:30 kahapon ng umaga sa Sitio Pinamintian, Barangay San Buenaventura.

Dalawang babaeng rebelde naman anya ang nasugatan sa sagupaan makaraang makubkob ang kampo ng NPA kung saan narekober ang dalawang improvised explosives, detonator, magazine, tents, walong mobile phones at isang computer tablet.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -