Nowitzki magreretiro na sa NBA

by Powered by DWIZ
0 comment
Nowitzki magreretiro na sa NBA

Kinumpirma na ni Dallas Mavericks star Dirk Nowitzki ang kaniyang retirement sa NBA.

Kasunod na rin ito ng panalo ng Mavericks kontra Phoenix Suns.

Naging emosyonal pa si Nowitzki sa kumpirmasyon ng kaniyang NBA rertirement bagama’t una nang nagpahayag na bukas para ma extend pa ang kaniyang NBA career para sa isang season.

Nagpasalamat pa si Nowitzki sa suporta sa kaniya ng kaniyang fans, NBA officials at mga kapwa manlalaro sa kabila ng aniya’y ups and downs sa kaniyang NBA career.

Ang send-off kay Nowitzki ay sinaksihan ng ilang NBA icons na kinabibilangan nina Larry Bird, Charles Barkley, Scottie Pippen at dating German power forward ng Mavs na si Detlef Schrempf.

Related Posts