‘No window hour scheme’ ipinatutupad na sa mga pangunahing kalsada

by Powered by DWIZ
0 comment
‘No window hour scheme’ ipinatutupad na sa mga pangunahing kalsada

Iginiit ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na nananatiling epektibo ang “no window hours” policy para sa number coding scheme sa lahat ng major roads at mabuhay lane routes.

Ito ang nilinaw ni MMDA General Manager Jojo Garcia matapos kumalat sa social media ang maling rules sa traffic number coding scheme na ikinalito ng mga motorista.

Ayon kay Garcia, nagkasundo ang Metro Manila Council na gawing standard ang “no window hours” scheme sa mga national road at mga kalsadang nagsisilbing Mabuhay Lane.

Nagkasundo rin anya ang mga Metro Manila Mayor o mga miyembro ng MMC na amyendahan ang kani-kanilang number coding schemes at traffic code.

Samantala, inihayag din ng MMDA na epektibo pa rin ang 60 kilometer per hour speed limit sa lahat ng major thoroughfare.

Related Posts