Rescue ops sa natabunang DPWH building sa Mt. Province patuloy
October 31, 2018
5 dead, 22 missing, 14 survived from Natonin tragic landslide
October 31, 2018
Show all

NLEX nakahanda na sa dagsa ng mga biyahero ngayong Undas

Handang-handa na ang North Luzon Expressway (NLEX) sa inaasahang pagdagsa ng mga uuwi sa kani-kanilang probinsya sa Norte simula mamayang tanghali.

Karamihan sa mga tanggapan ng pamahalaan at Local Government Unit (LGU) ay nagdeklara na ng half-day na pasok upang bigyang daan ang pag-uwi sa probinsya ng kanilang mga empleyado para sa Undas.

Ayon kay Robin Ignacio ng NLEX Traffic Management and Safety, Biyernes pa lamang ay handang-handa na sila para sa pagdagsa ng mga pasahero pauwi ng lalawigan.

Binuksan na aniya nila ang lahat ng toll lanes at nagdagdag na ng mga patrols para mag-assist sa mga motorista.

—-

 

 

 

Comments are closed.