‘Ninong’ Duque walang personal na relasyon kay Sy

‘Ninong’ Duque walang personal na relasyon kay Sy

by Powered by DWIZ
0 comment 66 views

Inamin ni Health secetary Francisco Duque III na nasilbi siyang ninong sa kasal ni WellMed Dialysis Center co-owner Bryan Christopher Sy noong 2014.

Pagkatapos aniyang pumutok ang kontrobersiya sa ghost dialysis claims sa PhilHealth ng WellMed ay agad na tumawag sa kanya ang ama ni Sy na ka-klase naman niya sa University of Santo Tomas.

Ngunit sa kabila nito sinabi ni Duque na hindi sila nag-uusap at wala rin siyang personal na relasyon kay Sy at sa pamilya nito.

Sinabihan umano ni Duque ang ama ni Sy na wala siyang magagawa sa sitwasyon at dapat nilang kaharapin anumang kapalit ng ginawa nilang aksyon.

0 comment

Related Posts