2 hinihinalang bomber patay sa North Cotabato
August 8, 2018
Gensan, hinirang na Highly Urbanized City ng CDRRM
August 8, 2018
Show all

NFA rice muling mabibili sa ilang pamilihan sa Luzon

Mabibili na muli sa mga pamilihan sa Batangas, Laguna, Quezon at MIMAROPA region ang NFA rice.

Magugunitang naantala ang delivery ng NFA rice dahil sa masamang panahon dulot ng habagat at sunud-sunod na bagyo noong Hulyo.

Tinatayang isandaan tatlumpung libong (130,000) sako na ng bigas ang dumating sa pantalan ng Mabini, Batangas na supply para sa mga nasabing lugar.

Ayon kay NFA Region 4 Assistant-Director Mike Tecson, ang bultu-bultong bigas ay bahagi ng apatnaraan pitumpung libong (470,000) sako ng NFA rice na inangkat mula India.

Inaasahan na rin anyang darating ngayong buwan ang nalalabi pang tatlundaan apatnapung libong (340,000) sako ng bigas mula India kaya’t makatitiyak ang mga mamimili na magiging sapat ang supply ng NFA rice.

—-

 

 

 

Comments are closed.