NFA malinaw na nagkulang —Senator Villar

0
42

Malinaw na nagkaroon ng pagkukulang ang National Food Authority o NFA.

Ito ang rekasyon ni Senate Committee on Agriculture Chair Cynthia Villar kaugnay ng pagkabukbok ng mga bigas na inangkat pa ng pamahalaan.

Ayon kay Villar, bigo ang NFA na magkaroon ng sapat na supply ng bigas ang mga pamilihan at bigo rin itong mapababa ang presyo ng bigas.

Sinabi ni Villar na kung naipamahagi lamang sa merkado ang mga inangkat na bigas ng pamahalaan ay marami na sana aniyang mahihirap na Pilipino ang nakabili ng mas murang bigas na nasa P27 at P32 kada kilo.

—-