Net satisfaction rating ni Duterte bumaba nitong Setyembre — SWS

Net satisfaction rating ni Duterte bumaba nitong Setyembre — SWS

by Powered by DWIZ
0 comment 33 views

Bahagyang bumaba ang nakuhang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nakalipas na buwan ng Setyembre.

Ito ay batay pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan bumaba sa positive (+) 65 ang rating ng pangulo kumpara sa positive (+) 68 na nakuha nito noong July 2019 na survey.

Sa naturang survey na isinagawa nitong Setyembre 27 hanggang 30, lumalabas na 78% ng respondents ang nagsabing kuntento sila sa performance ng pangulo, 13% naman ang hindi kuntento habang 9% ang ‘undecided’.

0 comment

Related Posts