30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

NDRRMC nakatakdang itaas ang red alert ngayong hapon

- Advertisement -

Itataas na ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ang kanilang alerto bilang paghahanda sa Bagyong Josie.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Egar Posadas, epektibo 5:00 ngayong hapon, ilalagay na sa red mula sa blue ang kanilang alert status batay na rin sa utos ni Office of Civil Defense Undersecreatry Ricardo Jalad.

Layon nitong tiyakin ang lahat ng ipadadalang tulong ng national government sa mga apektadong lugar na hinahagupit ng habagat na pinaiigting pa ng lumabas na Bagyong Inday at ng Bagyong Josie.

Ginawa ang naturang hakbang makaraang itaas ng OCD Cagayan ang kanilang alerto na ngayo’y nasa ilalim ng storm warning.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -