NCRPO Chief Eleazar muling nag-inspeksyon sa mga presinto

0
68

Nakatikim ng sermon ang isang pulis matapos itong mahuling natutulog ni Philippine National Police-National Capital Region Police Office bo PNP-NCRPO Chief Guillermo Eleazar habang naka-duty.

Pinagre-report pa ni Eleazar sa kanyang tanggapan si PO1 Gary Garcia upang magpaliwanag.

Si Garcia ay mula sa PCP o Police Community Precincts na isa lamang sa sampung himpilan ng pulisya na ininspeksyon ni Eleazar kaninang umaga.

Isang sarado at madilim na PCP naman ang dinatnan ng hepe ng PNP-NCRPO sa Pritil Tondo.

Ilan pa sa mga dinaanan ni Eleazar ang mga himpilan ng pulisya sa Novaliches, Caloocan Mobile Patrol Unit, Station Traffic Accident Investigation Unit at Headquarters.

—-