27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

NBI pasok na rin sa imbestigasyon hinggil sa mga pagpatay sa local officials

- Advertisement -

Pinakikilos na ng DOJ o Department of Justice ang NBI o National Bureau of Investigation sa sunud-sunod na kaso ng pagpatay sa mga lokal na opisyal.

Batay sa utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay NBI Director Dante Gierran, nais nitong makakuha ng agarang resulta sa pagkasawi ng tatlong lokal na mga opisyal.

Partikular na rito ang mga kaso ng pagpatay kina Tanauan Mayor Antonio Halili, General Tinio Mayor Ferdinand Bote at ang pinakahuli ay ang pagpatay kay Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan.

Pulitika at droga ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagkamatay ni Mayor Halili, negosyo naman ang kay Bote habang pulitika rin ang tinitingnan namang sanhi ng pagpatay kay Lubigan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -