NBI nilinis ang 3 isinasangkot sa umano’y terror plot

by Powered by DWIZ
0 comment
NBI nilinis ang 3 isinasangkot sa umano’y terror plot

Nilinis ng NBI ang tatlong taong isinasangkot sa umano’y terror plot.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, kinukunsider din nila ang pagsasampa ng kaso laban sa nagsangkot sa mga nasabing tao subalit tumanggi nang makipag tulungan sa mga otoridad.

Sinabi ni Lavin na wala naman silang makitang criminal record ni Victoria Sto. Domingo, ang 19 na taong gulang na nagpakita sa kanilang tanggapan para linisin ang kaniyang pangalan matapos siyang isangkot ng isang e mail sender, ang kaniyang fiance at kaniyang ina sa umano’y tangkang terror plot.\

Ang sinasabing anonymous sender ay hinihinalang ama ni Sto. Domingo.

Subalit nilinaw ni Lavin na tuloy tuloy pa ang imbestigasyon nila sa usapin.

Hunyo nang makatanggap ng e mail si NBI Director Dante Gierran hinggil sa pagdating sa bansa ng tatlong suspected terrorist bombers na sangkot sa pambobomba sa Colombo, Sri Lanka.

Related Posts