36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

NBI iimbestigahan na rin ang pagpaslang sa bise alkalde ng Balaoan La Union

- Advertisement -

Pasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpaslang sa vice mayor ng Balaoan, La Union na si Alfred Concepcion at body guard nitong si Mike Ulep.

Kasunod ito ng direktiba ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa NBI na sumama na sa isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Ayon kay Guevarra, mananatili pa rin sa Philippine National Police (PNP) ang pangunahing responsibilidad sa imbestigasyon pero mahigpit aniyang nakaantabay ang NBI para na rin sa mabilis na pag-resolba ng kaso.

Samantala, inilagay naman sa half-mast ang bandila sa munisipyo at iba pang pampublikong tanggapan sa Balaoan bilang pagpapakita ng pakikiramay sa pagkamatay ng kanilang bise alkalde matapos ito tambangan.

Naiuwi na rin sa kanilang tahanan ang labi ni Concepcion habang tumanggi muna ang pamilya nitong magbigay ng pahayag sa insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -