Narco list viral video bahagi umano ng destabilization plot laban kay Duterte — PNP

Narco list viral video bahagi umano ng destabilization plot laban kay Duterte — PNP

by Powered by DWIZ
0 comment 26 views

Posibleng ang claims ng isang alias ‘Bikoy’ ay bahagi ng destabilization plot laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon ito kay PNP Chief Oscar Albayalde, bagamat wala naman silang partikular na ebidensya hinggil dito maliban na lamang na ang pagtira ay masyadong personal, palaging nakatutok sa pangulo at sa administrasyong ito.

Muling tiniyak ni Albayalde na patuloy nilang iniimbestigahan ang nasabing usapin at hindi lamang si Bikoy ang sangkot dito na may kaakibat na pinansiyal na aspeto.

Hindi pa naman aniya nila nabe verify ang pagkakilanlan ni Bikoy lalo na’t gumagamit ito ng pekeng account.

0 comment

Related Posts