‘Narco-list’ posibleng ipalabas na bago ang 2019 midterm elections

by Powered by DWIZ
0 comment
‘Narco-list’ posibleng ipalabas na bago ang 2019 midterm elections

Nais ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año na isapubliko ang pangalan ng mga pulitikong nasa ‘narco-list’ bago ang 2019 midterm elections.

Ayon sa kalihim, layon nitong matulungan ang publiko na makapagdesisyon kung sino ang kanilang dapat iboto o hindi sa eleksyon.

Tiwala naman si Año na berepikado ang laman ng naturang ‘narco-list’ lalo’t apat na ahensya ng pamahalaan ang nagsagawa ng imbestigasyon sa background ng mga personalidad na nakatala sa naturang listahan.

Kasabay nito, hinimok din ng pinuno ng DILG ang mga political parties na tanggalin na sa kanilang line up ang mga pangalang nasa ‘narco-list’.

—-

 

 

 

Related Posts