Nanindigan ang Malakanyang sa dagdag pondo sa tanggapan ni Duterte

Nanindigan ang Malakanyang sa dagdag pondo sa tanggapan ni Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment 43 views

Nanindigan ang malakaniyang na walang mali kung kalahati ng mahigit P8-B surveillance fund o nasa apat punto limang bilyong piso ay mapupunta sa tanggapan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kailangan ng Pangulo ng malaking pondo para mapangalagaan ang seguridad ng bansa.

Sinabi ni Panelo na mahirap bantayan ang Pilipinas kaya’t kailangan ng dagdag na pondo, tao, makinarya at teknolohiya.

Tiniyak ni Panelo na hindi masasayang pondo dahil napaka istrikto ng Pangulo sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Kasabay nito inihayag ni Panelo na maaari rin namang humingi ng dagdag na pondo ang iba pang tanggapan sa office of the president sakaling kapusin ng budget ang mga ito.

0 comment

Related Posts