Nangyaring gender discrimination sa isang transgender sa QC kinondena

Nangyaring gender discrimination sa isang transgender sa QC kinondena

by Powered by DWIZ
149 views

Kinondena ni Senator Risa Hontiveros ang hindi pagpayag ng isang mall sa Quezon City na gumamit ng comfort room na pambabae ang isang transgender kahapon.

Kwento ni Gretchen Custodio Diaz hindi siya pinayagan ng isang janitress na gumamit siya ng banyo ng mga babae sa halip ay pinalabas siya nito at sinabing dun magpunta sa palikuran ng mga lalaki.

Muli siyang pumasok sa loob ng comfort room ng mga babae para igiit na pagamitin siya nito at nagvideo siya para mairecord ang pangyayari.

Sa halip na papasukin ay pinosasan siya ng guwardiya saka dinala sa istasyon ng pulis.

Sinabi ni Hontiveros na dapat nang matigil ang diskriminasyon sa mga transgender at sa buong LGBT community.

Samantala, napasugod naman sa police station si Bataan Congresswoman Geraldine Roman para samahan at idipensa ang biktima.

0 comment

Related Posts