Isang miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa bus bombing at kidnapping arestado
February 12, 2019
Negros Mayor Slams Lists Linking Him & Others to Protecting Illegal Drugs
February 13, 2019
Show all

NAMFREL tinututukan na rin ang mga kandidato sa 2019 elections

Nakatutok na rin ang NAMFREL o National Citizens’ Movement for Free Election sa mga kandidato ng 2019 midterm elections ngayong nag umpisa na ang campaign period.

Ayon kay Eric Jude Avila ng NAMFREL, babantayan ng grupo ang sinumang pulitiko na lalabag sa election offense.

Aniya, ang hakbang na ito ay upang matulungan rin ang Comelec o Commission on Elections.

Tiniyak rin ni Avila na i-momonitor rin nila ang paggamit ng mga pulitiko sa social media pages, website at blogs upang maiwasan itong maabuso ngayong kampanya.

Comments are closed.