Nakawan Ng Mga Wiring Sa Mga Streetlights Ng Fil Am Road Dahilan Ng Pagkawala Ng Ilaw Nito

by RPN
0 comment
Nakawan Ng Mga Wiring Sa Mga Streetlights Ng Fil Am Road Dahilan Ng Pagkawala Ng Ilaw Nito

General Santos City- Kinumpirma ngayon ni District engineer Rey Francisco ng 2nd district engineering office ng DPWH 12 ang nakawan na nangyayari sa mga copper wire ng mga street lights sa kahabaan ng fil am road papuntang airport sakop ng Barangay Fatima. Ito ay matapos idunolog sa kanyang  opisina ang iilang tanong at pag lilinaw hinggil sa dahilan ng pagkawala ng kuryente ng mga nasabing street lights. Ayon kay DE Francisco na matagal na nilang na I turn over sa local government unit ang nasabing proyekto subalit sa kanyang ginawang pag sasaliksik tungkol sa nangyari ay nalaman niya na malaking problema diumano ang naging dulot ng mga pagnanakaw na ginagawa sa kanilang nakabaong wiring installation sa mismong gilid lamang ng kalsada nito. Hindi pa matukoy sa ngayon ang posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin sa pagnanakaw subalit malaki ang paniniwala nito na ang mga may gawa ay merong mga kaalaman sa electrical applications.

Ayon naman sa City Engineering Office ay nakikipag tulungan na sila mga kapulisan at sa mga kawani ng mga tanod ng Barangay Fatima upang masugpo ang nakawan. Suportado naman ni kapitan Rey Curit ang punong barangay ng Fatima ang nasabing hakbang at mas pinaigting pa ang kanilang pag ma man man sa nasabing lugar na pinangyarihan ng nakawan.  Nanawagan nalang si Francisco na magtulungan ang lahat upang mapangalagaan ang bawat pasilidad na pag mamay ari nating lahat. Matatandaang una na itong nawalan ng ilaw noong mga naka raang buwan subalit naibalik naman ito agad sa tulong mentainance unit sa nasabing proyekto. Samatala plano na lamang diumano ng City engineering office na I install sa ibabaw na mismo ng mga street lights ang wiring nito upang maiwasan na ang mga hindi kanais nais na na pagnanakaw ng kawad ng kuryente.

Related Posts

Leave a Comment