28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Naka-ambang pagtaas ng singil sa tubig inalmahan ng konsyumer group

- Advertisement -

Inalmahan ng isang consumer groups ang ginawang pag-apruba ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang pagtataas sa singil ng Maynilad at Manila Water sa susunod na taon.

Ayon kay dating trade undersecretary at Laban Konsyumer Incorporated president Victor Dimagiba, hindi makatwirang gawing dahilan ng MWSS ang inflation rate para payagan ang hirit ng dalawang water concessionaires na magtaas ng singil.

Iginiit ni Dimagiba, isinama na sa naunang ipinatupad na taas singil sa tubig noong Oktubre na uutay-utayin ng apat na taon ang inflation rate na nasa tatlong prosyento.

Ipinagtataka rin ni Dimagiba ang pagsasama sa FCDA o Foreign Currency Differential Adjustment sa kwentahan ng MWSS gayung lumakas naman aniya ang piso.

Tiniyak naman ni Dimagiba na susulatan niya si MWSS Regulatory Officer Patrick Lester Ty para pagpaliwanagin hinggil sa taas singil.

Una rito, inaprubahan ng MWSS ang piso at nubenta’y singko sentimos kada cubic meter na taas singil sa tubig ng Maynilad at piso at singkwentay kuwatro sentimos kada cubic meter sa Manila Water simula Enero ng susunod na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -