NAIA Terminal 2 nakaranas ng power interruption

0
53

Panandaliang nawalan ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 2 sa Pasay City kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, tumagal ng anim na minuto ang naturang power interruption na ikinagulat ng ilang pasahero.

Agad namang bumalik sa normal ang operasyon sa loob ng paliparan matapos bumalik ang suplay ng kuryente.

Wala namang napaulat na naapektuhang flight sa naturang insidente.

—-