Naging tugon ng China kaugnay sa West PH Sea itinuturing na welcome development

by Powered by DWIZ
0 comment
Naging tugon ng China kaugnay sa West PH Sea itinuturing na welcome development

Itinuturing na welcome development ng Malacañang ang naging tugon ng China kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ay makaraang tiyakin ng China na handa itong makipag negosasyon sa pilipinas upang maresolba sa diplomatikong paraan ang namumuong tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mananatili pa rin ang paninindigan ng gobyero na dapat nang lumayas sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea ang mga namataang barko ng China.

Samantala, umaasa naman si Panelo na babanggitin ni Pangulong Duterte sa kaniyang pagtungo sa Beijing, China ang iligal na pananatili ng mga Chinese vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas.


Protesta laban sa China walang kinalaman sa midterm elections — Palasyo

Walang koneksiyon sa nalalapit na halalan ang mariing pag-protesta ng pamahalaan laban sa China.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kaugnay ng mga alegasyong nais lamang magpalakas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga botante, dahil na rin sa mga ini-endorso nitong kandidato na tumatakbo ngayong darating na eleksiyon.

Ayon kay Panelo, masusi nilang pinag-aaralan ang lahat ng pahayag na kanilang ini-isyu, kaya’t tinitiyak nilang beripikado ang lahat ng report na kanilang natatanggap.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Panelo na posibleng talakayin ni Pangulong Duterte ang isyu sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea sa pag bisita nito sa Beijing para sa isang bilateral meeting kasama si Chinese President Xi Jinping.


Pahayag ng isang mambabatas hinggil sa West PH Sea pinabulaanan

Pinabulaanan ng Malacañang ang pahayag ng isang mambabatas na umano’y palalakasin lamang ng pagkakahati ng palawan ang posisyon ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang koneksiyon ang pag-lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa RA 11259 sa pangambang pinapaburan ng pamahalaan ang China, sa pinag tatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Giit pa ni Panelo, kung talagang nais ng China na sakupin ang palawan ay hindi na nito hihintayin pa na mahati sa tatlong lalawigan ang Palawan.

Sa ilalim ng RA 11259, magiging bahagi ng itatag na Palawan del Sur ang Balabac at Kalayaan Island na bahagi naman ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)
—-

Related Posts