Nag-Resign Si Camarines Sur Vice Governor Ato Peṅa, Ikinabigla Ng Lahat

by RPN
0 comment
Nag-Resign Si Camarines Sur Vice Governor Ato Peṅa, Ikinabigla Ng Lahat

Ikinabigla ng mga mamamayan ng Camarines Sur ang biglaang pagbibitiw sa pwesto ni Camarines Sur Vice Governor Fortunato “Ato” Peṅa, kahapon.

Nabigla ang lahat matapos na ipahayag ni Vice Governor Aton a magbibitiw na sya sa pwesto samantalang ginagawa ang pinaka-unang session ng Sannguniang Panlalawigan para sa taong 2019.

Ginawa ng Vice Governor ang pagbibitiw at idinahilan nito ay personal at pang pamilyang mga kadahilanan at hindi na ito nag elaborate.

Maaalalang tanging si Vice Governor Ato lang ang nakatatlong termino bilang Vice Governor ng lalawigan, subalit limang buwan bago ito matapos ay nagbitiw na nga ito.

Iba’t-ibang reaksyon ang ipinapakita ng mga taga Camarines Sur, subalit marami pa rin ang naguguluhan at hindi makapaniwalang nag bitiw sa pwesto ang Vice Governor dahil kilala ito na pala kaibigan at matatag kahit na under pressure. (Mark Rodriguez)

 

Related Posts

Leave a Comment