Nadine Lustre nasurpresa sa unang pagbisita sa Indonesia

by Powered by DWIZ
0 comment
Nadine Lustre nasurpresa sa unang pagbisita sa Indonesia

Nasurpresa ang aktres na si Nadine Lustre sa kanyang unang beses na pagbisita sa Indonesia.

Hindi lamang dahil sa magagandang pasyalan rito kundi dahil bumuhos ang suporta sa aktres maski sa naturang bansa.

Bago ang isang event na dadaluhan ni Nadine ay namasyal muna sya sa isang mall kung saan pinagkaguluhan siya ng kanyang mga taga-suporta na hindi lamang mga pinoy kundi maging mga Indonesian citizen.

Ikinagulat ito ni Nadine at lubos na ikinatuwa dahil marami ang nakakakilala sa kanya kahit pa sa ibang bansa.

Samantala nabatid na naging popular ang programa nilang dalawa ng kanyang kasintahang si James Reid na ipinalabas sa Indonesia noong 2016 hanggang taong 2017.

Related Posts