Murder case laban sa pulis na suspek sa pagkamatay ng vice mayor sa Tawi-Tawi ikinakasa na

0
51

Ikinakasa na ng PNP o Philippine National Police ang kasong murder laban sa isang aktibong pulis na itinuturong suspek sa pagpatay kay Sapa-Sapa, Tawi-Tawi Vice Mayor Al Rashid Mohammad Ali noong Hulyo A-onse.

Kinilala ang suspek na pulis na si PO3 Mohammad Lacbao Tulete na nakadestino sa Lamitan City police station sa Basilan.

Ayon kay Zamboanga PNP OIC Senior Supt. Alan Nazarro, mismong ang misis ng bise alkalde ang kumilala sa suspek sa pamamagitan ng kanilang ipiniresentang larawan at video.

Pulitika naman ang nakikitang motibo ng pulisya sa krimen lalu’t minsan nang naghayag ng kanyang kahandaan sa pagtakbo sa pag-alkalde si Ali.

Gayunman sinabi ni Nazarro na hindi pa rin nila isinasantabing miyembro ng gun for hire ang suspek na pulis.

(Ulat ni Jaymark Dagala)