28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Muling paghahain ng diplomatic protest vs. China ipinag utos ng DFA

- Advertisement -

Ipinag utos ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang pagpaghahain ng isa pang diplomatic protest laban sa China.

Ito ayon kay Locsin ay dahil sa paulit ulit na pagdaan ng Chinese warships sa katubigang teritoryo ng Pilipinas.

Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni Locsin na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang dinadaan ng mga nasabing warships at isang trespassing ang ginagawa ng mga ito.

Ang hakbang ni Locsin ay kasunod na rin ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakakairita na ang pagdaan ng Chinese warshps sa territorial waters ng bansa nang wala man lang pasabi.

Una nang ibinunyag ni Lt. General Cirilito Sobejana, hepe ng Western Mindanao Command na halos tatlong beses pang dumaan ang Chinese warships sa Sibutu Strait ngayong buwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -