MRT-3, balik-operasyon na

MRT-3, balik-operasyon na

by Powered by DWIZ
40 views

Balik operasyon na ang Metro Rail Transit – 3 (MRT-3) ngayong araw matapos ang isang linggong maintenance activities.

Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na naging matagumpay ang  isinagawang simulation test  sa MRT-3 kahapon na indikasyong maaari na muling patakbuhin ang mga tren at bagon.

Layunin ng simulation test na suriin kung wasto at angkop ang lahat ng pinalitan at inayos na bahagi ng tren, riles at sistema ng nabanggit na railway transit.

Sa kabuuan ay labing-pitong (17) tren ang inayos ng maintenance transition team noong mahal na araw   upang matiyak na may labinglima (15) pang tren at dalawang (2) tren na reserba ang MRT-3 sa mga susunod na araw ng operasyon.

0 comment

Related Posts