MPD Station 9 nagsagawa ng isang araw na lock down

0
51

Nagkasa ng isang araw na lock down ang Station 9 ng Manila Police District (MPD).

Bukod sa isinagawang general cleaning ng buong istasyon, isinailalim din sa medical check up ang mga bilanggo sa Station 9.

Ang nasabing clean up ayon sa pamunuan ng Station 9 ay matagal na nilang itinakda subalit naipagpapaliban lamang.

Magugunitang isang inmate ang nasawi matapos ma diagnose ng isang flesh eating disease bagamat hindi pa batid kung ano talaga ang sanhi ng kamatayan nito.

Ang naturang bilanggo ay nasa Station 9 bago ito inilipat sa Manila City Jail kung saan makalipas ang tatlong araw ay nasawi ito.