MPD may 5 persons-of-interest sa Binondo bank robbery

by Powered by DWIZ
0 comment
MPD may 5 persons-of-interest sa Binondo bank robbery

Mayroon ng limang (5) persons-of-interest ang pulisya kaugnay ng nangyaring pagnanakaw sa Binondo branch ng Metrobank noong Huwebes, Hulyo 11.

Ito ay matapos mapaulat na pito ang suspect sa naturang krimen.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Dir. Brig. Gen. Vicente Danao, ito ay matapos nilang reviewhin ang ilang CCTV footage lumabas na lima lamang ang suspect sa pagnanakaw.

Sa isang press conference, iprinisinta nina Danao at Manila City Mayor Isko Moreno ang CCTV footage kung saan makikita ang limang mga suspect na pumasok sa bangko na kalaunan ay lumabas ng may dalang mga bag.

Kaugnay nito, umapela naman si Moreno sa mga suspect na sumuko na sa mga otoridad dahil hindi anya titigil ang pulisya sa pag-hahalughog sa bawat sulok ng maynila upang mahanap ang mga ito.

Matatandaang, umabot naman sa P1-M ang inilaang pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga suspect.

Related Posts