Moreno desididong ipatigil ang  towing sa Manila

Moreno desididong ipatigil ang  towing sa Manila

by Powered by DWIZ
0 comment 48 views

Desidido si Manila Mayor-elect Isko Moreno na ipatigil ang towing sa lungsod.

Ayon kay Moreno, nagiging ugat ng pangingikil at pag abuso ang towing ng mga nakahambalang na sasakyan.

Ngayong wala pang malinaw na ipapalit dito, nakiusap si Moreno sa mga manilenyo na pairalin ang disiplina para maging maluwag at maayos ang kalsada.

Samantala, nakiusap si Moreno sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan na ihinto na ang pamumulitika.

Aniya, kailangan ay magkaisa para sa pagsisimula ng pagbabago sa syudad.

—–
0 comment

Related Posts