MMDA handang i-escort ang mga ambulansya para mabilis makalusot sa EDSA

MMDA handang i-escort ang mga ambulansya para mabilis makalusot sa EDSA

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Handa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-escort ang mga ambulansiya para mabilis na malusot sa EDSA.

Kasunod ito ng ulat na ilang pasyente ang namatay matapos na maipit ang sinasakyang ambulansiya sa matinding trapiko sa EDSA.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, maaring tumulong ang mga naka motorsiklong traffic enforcer para tumulong na mapabilis ang byahe ng mga ambulansiya patungong ospital.

Binigyang diin ni Pialago na tanging ang mga emergency cases lamang ang kanilang handang tulungan.

0 comment

Related Posts