30.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Missiles na umatake sa oil facilities sa Saudi Arabia nanggaling umano sa Iran

- Advertisement -

Walang duda ang Saudi Arabia na galing sa Iran ang mga drone at cruise missiles na umatake sa oil facilities nito.

Ayon kay Saudi Defense Ministry Spokesperson Colonel Turki Al – Malki hindi maikakailang mula sa Iran ang mga nakuhang wreckage.

Sinabi ni Al Malki na kabuuang 18 drones at pitong missiles ang inilunsad kabilang ang tinatawag na Iranian delta wing Unmanned Aerial Vehicle (UAV).

Patuloy namang inaalam ng Saudi Arabia kung saan ang eksaktong launch point.

Samantala sinabi naman ni US President Donald Trump na mag-a-anunsyo ang kaniyang administrasyon ng sanctions laban sa Iran sa loob ng 48 oras.

Binabantayan aniya ng Amerika ang sitwasyon sa middle east.

Itinanggi naman ng Iran ang mga akusasyon ng Saudi kasabay ang babalang immediate retaliation kapag iginiit na sila ang responsable sa pag atake.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -